Paano Nga Ba ang Mag Move On?

Dahil binasa mo ito, I’m guessing na curious ka kung may tama ngang sagot sa tanong na iyan? So malamang nakipagbreak ka sa hindi nating alam na rason, o may nakipagbreak sa iyo at pagkatapos ng ilang araw na pag-iiyak naisipan mo ng magmove-on, o kaya naman matagal ka na nagmomove-on pero hindi mo parin sure kung nakapag-move on ka na talaga. I’m sure isa ka sa mga taong iyan. Kung hindi man, curious ka lang talaga, at alam mo kung ano nangyayari sa mga curious na pusa – namamatay! Okay lang iyan, hindi ka naman pusa at wala naman atang namamatay na pusa out of curiosity. Or meron na ba? 

Pano nga ba ang pagmomove-on? Ito ba ay simpleng paglimot lang? Or may tama ba talagang steps na dapat sundin para mapabilis? Or may process ba tayo dito na kailangan pagdaanan para isang araw masabi mong okay ka na? Or simpleng bigyan lang talaga ng karapatan ang panahon na ayusin at pagalingin ka?

Sana alam ko ang paraan kung pano. Sana mabigyan kita ng diagram ng dapat mong gawin para makuha mo ang output na gusto mo. Pero hindi e. Dahil ako mismo ay nagmomove-on palang. At sa isang buwang, well technically, tatlong buwan na, pero last month lang talaga ako nagpakatotoong magmove-on so, one month palang – anyway, ang dami kong natutunan at narealize sa pagmomove-on na ‘to at isa dun ay isa akong malaking tanga at hindi niya deserve ang katangahan ko. Alam kong hindi ka naman tanga, pero the sooner na marealize mong nagpakatanga ka at gago siya, the sooner kang matatapos sa pagmomove on mo.

Ang love story ko ay sakto lang. First boyfriend, first girlfriend, seven years, nag-long distance, yada yada. Sa long distance pa lang, medyo sapul na ako ‘dun. Karamihan sa long distance ay dumidiretso sa Splitsville at alam ko rin naman yun. Pero dahil sandamak ako ng tanga, naniwala akong baka maiba kami; baka lang naman makarating kami sa forever. Syempre, first boyfriend ko yun. Seven years kami kahit medyo malabo ang samahan, seven years parin yun at siya lang ang minahal ko kahit gaano pa siya ka undeserving. Sorry naman, nagmahal lang po.

Nakipagbreak si Kuya dahil masyado daw mataas ang expectation ko at hindi niya daw kayang abutin. Akala mo yun lang? Meron pa, wala na daw akong care sa relasyon at hindi niya na daw maramdaman na mahal ko siya (malamang, long distance tayo?) at may pahabol pa, lagi daw nag-aaway. Ano gusto mo sir, lagi nalang happy happy eh ang nega-nega mo sa buhay? Pero dahil tanga ako, sige ako na ang may kasalanan – kahit ngayon lang. Ako naman kasi ang tama lagi dati, kaya sige, pagbigyan natin si Kuya. Lahat iyan dinaan sa text. Woooh, good job sir!

Pero syempre dahil tanga ako, naiyak ako. Iyak-iyak ako. Yung klase ng iyak na tunog baka. Kulang nalang ireklamo ako ng kapitbahay namin sa kabilang unit, pero what do I care? Masakit ang heart ko. Masakit ulo ko. Masakit! Kaya nagpabebe ako, wala silang pakialam kung humagulhol ako ng bongga.

Umiyak ako kahit saan. Umiyak ako sa banyo. Umiyak ako sa kitchen. Umiyak ako sa sala. Umiyak ako sa MRT. Umiyak ako sa opisina at sa panget na CR ng building na yun. Umiyak ako sa Fortune Island pagkatapos magshot ng Cuervo Tequila habang nakatingin sa langit at naghanap ng stars. Umiyak ako sa bus habang nakanga-ngang nakatulog yung katabi ko.

At dahil gusto ko magmove-on, isa sa mga self-proclaimed moving-on steps ko ay uminom. Kaya niyaya ko ang officemate kung uminom nung gabing yun. Akala ko one-on-one kami, niyaya niya rin pala yung dalawa ko pang officemate kaya syempre maraming advice, maraming suggestions, maraming kaechosan sa buhay. Pero okay lang, masakit eh. Tanga ako eh. Mahal ko eh.

Pagkatapos ng iyakan days ko, inuman days naman. One month akong uminom – araw-araw. Mas madaling matulog. Mas naging close kami ng officemates ko na ngayon ay kaibigan na ang tawag ko. Mas marami akong natutunan sa guys’ perspectives. Pero nakatulong ba? Nakalimot ba ako? Hindi naman masyado. Mas madali lang matulog.

Moving on to kwentuhan days. Nagkwento na ako sa mga kaibigan ko. Nag-open up na akong break na kami at brinekan ako. Ang gwapo niya eh tapos tanga ako. Kelangan magkwento. Kailangan ilabas lahat. Hindi puro iyak at inom lang. Kailangan mong sabihin ang mga dapat sabihin. Pag tunay mo namang kaibigan, makikinig iyan kahit gaano ka na ka-annoying pakinggan dahil paulit-ulit nalang. Makikinig sila kahit gusto ka nang sampalin ng mga taong iyan at sabunotan ang gwapo mong ex.

Pero alam mo kung ano ang tunay na nakatulong? Closure.

Kasi marami kang tanong na hindi masasagot ng mga kaibigan mo. Puro kayo what-if. Maybe. Siguro. Hindi natin alam. Alam mo kung sino lang makakatahimik sa iyo at sa puso mo? Ang taong may sagot niyan, ang gwapo mong ex. Kaya sige lang, magpakatanga ka pa. Puntahan mo, kitain mo, magdemand ka ng sagot. May karapatan ka dahil makakatulong iyon sa iyo.

Iyan yung ginawa ko. Sabi nila don’t cross oceans, pero I did. Cross oceans for people you love. Cross oceans for yourself. Cross oceans kung makakaraya yun sa iyo. Cross oceans kung may budget ka lang naman. Pwede din fly over through eroplano kasi as of today, di na masyado uso ang barko. Joke lang, idiom iyan kaya sana nagets mo.

Edi ayun nga, nagpakatanga ang Ate niyo. Pumunta ng ‘island of no return’, nagbabakasakali na baka ma-return pa ang love of her life at di nilamon ng isla. Pero pagdating doon, nalaman may girlfriend pala ang gwapo niyong kuya. Nagka-girlfriend within one month ng break-up. Naisip niyo yun? Habang umiiyak-iya ako at nagpapakalasing at di makatulog, siya pala ay nakikipaglandian na. Unfair naman iyon.

Nagalit ako? Oo naman. Minura ko siya. Kesyo wala siyang balls at sana magkaroon na siya or sana wag nalang ever. Finacebook ko ang walangyang jejemon niyang gf na tinext ako at my goodness, di ko alam kung maiyak o matawa. Hello? Ang gwapo niya lang. Ang ganda ng pinalit sakin. Ang ganda at ang talino at ang mature. Pakinote ng sarcasm, opposite lahat iyan. Ang beauty ko nainsulto ng bongga!

Nagkita kami at nag-usap. Pero dahil wala na siyang pakialam saming dalawa, hindi narin masyadong sinagot ang mga tanong ko tungkol saming dalawa. Mas sinagot niya pa ang mga tanong ko tungkol sa bago niyang chicks. Ang gwapo lang! Sarap sabunotan at itulak para gumulong nalang pababa sa hagdan ng bundok na yun at mauntog at marealize na ang utak niya ay nacorrupt at kumitid.

At umiyak na naman ako. Hindi dahil nahurt ako, kungdi dahil thankful ako kay Lord na prinotect niya ang puso ko. Thankful ako na Siya ang gumawa ng paraan na itigil ang relasyon na yun dahil alam niyang hindi ko kaya. Hindi ako deserve ng Kuya niyo.

Kaya bumalik ako sa stage 1 ng moving on. Balik sa pag-iyak. Bumalik sa pagrereminisce ng memories. Naging bitter. Naging stalker. Naging desperate. Nagtitext parin at nagtatanong kung mahal niya ba talaga, kung baka phase lang to dahil LDR kami. Nagchicheck ng Facebook at iiyak kapag may nakitang comment ng pinalit niyang jejemon. Naging desperate na mapansin, post ng post ng status sa Facebook na patama sa kanya. Umabot pa sa punto na gusto ko ng murahin sa social media para malaman ng lahat ang kagwapuhan niya para palitan ako ng bebegerl. Naging bitter sa lahat ng bagay. Naniwalang walang forever. Naniwalang hindi ko na kaya ulit magkaboyfriend. Gumive-up sa pag-ibig.

Lahat iyan mararanasan mo. Magagalit, magiging bitter, magiging desperate, magiging stalker, magiging chismosa, magiging mapagmataas sa sarili. Sangkatutak na ‘it’s his loss not mine’. Sandamakmak na, ‘hanep na mas maganda ako dito sa pinalit niya, gwapo niya’. Milyones na, ‘ang panget niya di ko siya deserve’. Idoble mo pa ang mga sinasabing script ng mga kaibigan mo. Pero nakatulong ba? Oo, medyo. Naging bitter ako lalo.

This went on for weeks, hanggang napagod ako. Kaya isang araw, umiyak ako. Umiyak ako ng bonggang-bongga sa Diyos. Kinommit ko sa kanya na ayoko na. Na hindi na ako magpapasaway sa pag-ibig. Na maghihintay na ako. Gumawa ako ng 5-page Microsoft Word document. Lahat ng di ko nasabi sa kanya, binuhos ko dun. Hindi yun hate letter, love letter yun na pwede ding tawaging goodbye letter. Nagsorry ako at nagthank you sa kanya at sinabi ko sa sarili ko na last na to.

Pinadala ko sa FB messenger at nireplyan lang ako ng sad face. Sobrang natouch ako sa reply niya kaya inarchive ko nalang ang chat at naglog-off sa Facebook. Katagalan, nagdeactivate ako. Iniwasan ko ng umiyak. Iniwasan ko ng isipin siya. Iniwasan ko ng magkwento. Iniwasan ko na lahat ng nagpaparemind sakin sa kanya.

Yun ang nakatulong sakin sa pagmomove-on. Okay din yung pag-inom. Okay din yung pagkwento. Pero kasi pag-gising mo, same issue, same problem, same pain. Pero pag nanggaling mismo sa iyo ang resolve na gusto mong mag-move on, dun lang mangyayari ang pagmomove-on. Kailangan mag-effort. Kailangan ipush. Kailangan may ganap. Hindi pwedeng laging distractions lang or panahon. Kailangan ikaw mismo gusto mong magmove-on. Susunod nalang ang panahon.

Hindi pwedeng umasa. Hindi pwedeng mag-isip na baka pwede pa next time. Baka hindi lang pwede ngayon. Kailangan wala na. Kailangan masabi mo sa sarili mo na hindi na kami magkakabalikan. At kung maisip mong baka lumapit siya ulit sa susunod, dun mo nalang pagpoproblemahan yun. Pero ngayon, at this moment, at this place, wala na. Tama na, stop na. Ang gwapo niya na masyado at sobrang tanga mo na. Matalino ka naman e, sana masagot mo yung tanong why would you want to be with someone who doesn’t want you? Because we want what we can’t have. Bull shark. Kutusan kita e. Oo, yan din naisip ko.

Masakit parin hanggang ngayon, pero di na gaano. May mga araw na naaalala ko siya at naghihinayang parin ako, pero minsan nalang talaga. May mga moments na bigla akong makakakita ng magjowa at magbibitter-bitteran, pero I learned how to protect my mind and push unnecessary thoughts away.
.kikj
Hindi ko alam kung kailan ako magigising at masasabi kong ‘uy, okay na ako’. Ang daming nagsabi sakin, one year pa raw. May iba two years. Naiisip ko pa lang ngayon, napapagod na ako. Pero walang limit ang pagmomove-on. You can take as long as you want, pero kailangan mo rin tulongan si Kuya Time.

May steps ba o stages sa pagmomove on? Wala naman masyado. Pagdadaanan mo talaga ang pag-iyak iyak, pag bibitter, pag stastalk, pagiging desperate, pathetic, ex girlfriend pero it can’t go on forever. At the end of the day, ang kailangan mo talaga ay si acceptance. The sooner nga na maaccept mong gwapo ang ex mo at tanga ka at hindi ka niya deserve, mas sooner kang makakapagdecide magmove-on at maging okay.

I have a long way to go, and I hope I could be at the end of the tunnel now at masabi ko sa iyo kung pano ba talaga. Pero wala pa eh, but I’m happy to say that I’m kind of seeing a light. Yes, a light! Sobrang liit lang na light, pero okay na ako sa ganoon, kaysa wala talaga diba?

May isang araw na mangyayari na pag nagising ka at nasabi mong, ‘uy, di ko naisip si ano kahapon ah’, mapapawow ka. First step yun to healing. There will be a gaping hole in your heart that you’ll constantly fall off, pero as time passes, malalaman mong unti-unti ka naring nagdedetour. Hindi dahil alam mong may manhole dun, kungdi dahil nakita mong may iba pang mas maganda na daan na walang bukas na manhole. Yung manhole maiiwan lang dun, malamang di mo na maayos at malalagyan ng takip, pero hindi mo na siya madadaanan pa ulit. Diba ang cool?

2 Comments Add yours

  1. Anonymous says:

    Love how the way this piece was constructed. Its like reading the sequel to the movie That Thing Called Tadhana. Haha. Kudos!

  2. Precious says:

    How are you doing now?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s